Home METRO Bagong delivery hubs ilulunsad ng PHLPost

Bagong delivery hubs ilulunsad ng PHLPost

MANILA, Philippines- Nakatakdang magbukas ng bagong deliver hubs sa Metro Manila ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ngayong Enero.

Ayon sa PHLPost, ang bagong express mail service (EMS) delivery hubs ay ilulunsad sa Manila, Makati Central Post Offices, at Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City simula Lunes, Enero 13 upang mapabuti ang domestic express mail services (DEMS sa loob ng kabisera ng rehiyon.

Ang DEMS ay nagpapahitulot sa mga kostumer na magpadala ng mga agarang mensahe, business documents, o mga kalakal sa loob ng PIlipinas dahil ang mga item ay karaniwang inihahatid sa susunod pang araw pagkatapos ng pagpapadala sa koreo.

Ang cut-off time sa post offices sa Caloocan, Valenzuela, Marikina, Novaliches, Pasig, Pateros, Taguig, Mandaluyong, San Juan, SM Mall of Asia at SM Manila ay alas-2 ng hapon.

Tumatanggap naman ng package hanggang aloas-3:30 ng hapon sa NCR areas sa Manila, Makati, Quezon City, Pasay, Paranaque, Muntinlupa, at Las Pinas Post Office.

Ang mga package na tinatanggap pagkatapos ng cut-off time ay ihahatid sa loob ng 48 oras.

Pamamahalaan ang mga operasyon ng EMS ng kani-kanilang hub sa Quezon City Post Office Hub na magsisilbi sa Caloocan City, Malabon, Marikina, Navotas, Novaliches, Quezon City, at Valenzuela; ang CMEC hub na magseserbisyo sa Pasay, Muntinlupa, Las Piñas, Parañaque, at Taguig; Makati Central Post Office Hub na nag-ooperate sa Makati, Mandaluyong, Pasig, at Pateros; at Manila Central Post Office na naghahatid sa kalakhang Maynila at San Juan.

Para sa mga internasyonal na destinasyon, sinabi ng PHLPost na pinagkakatiwalaan nito ang pagiging miyembro nito sa Universal Postal Union at ang pagkakaroon ng mga bilateral na kasunduan sa 56 na bansa para sa reciprocal exchange ng EMS items. Jocelyn Tabangcura-Domenden