Home METRO ‘Colorum’ van nasita ng DOTr

‘Colorum’ van nasita ng DOTr

MANILA, Philippines- Nahuli ng Department of Transportation Special Action and Intelligence Committee ang driver ng isang van na may improvised plates sa isang operasyon sa Alabang, Muntinlupa.

Ayon sa ulat nitong Linggo, itinuturing na colorum o hindi rehistrado ang van dahil sa paggamit ng improvised plates.

Napag-alaman sa imbestigasyon na nasita na rin ang van noong January 8 dahil sa parehong paglabag, kung saan nakumpiska ang plaka ng van at lisensya ng driver.

Gayundin, na-impound ang sasakyan, na nangangahulugang hindi ito maaaring gamitin sa loob ng tatlong buwan.

Dahil sa pinakabagong paglabag, nahaharap ang driver sa kasong use of unauthorized improvised plates, failure to carry a driver’s license, at obstruction.

Base sa DOTR-SAICT, sinabi ng driver na nagawa lamang niya ito dahil kailangan niyang kumita ng pera.

Dinala na ang van sa impounding area ng Land Transportation Office.

Batay sa datos mula sa DOTR-SAICT, mahigit 62 colorum vehicles ang nahuli niotng Pebrero. RNT/SA