MANILA, Philippines – Tiwala si Commission on Elections (Comelec) Chairman Erwin George Garcia na magaganap ang 2028 national elections kahit na dalawang taon pa mula ngayon.
Ang pahayag ni Garcia ay reaksyon sa sinabi ni Vice President Sara Duterte sa kanyang panayam sa The Hauge, kung saan nagpahayag siya ng pag-asa na magagawa pa rin ng Pilipinas ang susunod na halalan sa pagkapangulo sa 2028.
Ayon kay Garcia, ‘sigurado’ siyang magaganap pa rin ang pambansang halalan dalawang taon mula ngayon kung saan ang kanilang paghahanda nagpapatuloy.
Dagdag pa ni Garcia na 50 at 60 porsyento na ang natapos sa kanilang paghahanda.
Kasunod ng mga pahayag ni Duterte, inilarawan siya ni Palace Press Officer Claire Castro bilang isang ‘eksperto sa pagtatanim ng mga intriga’. Jocelyn Tabangcura-Domenden