Home NATIONWIDE Comelec: 84.34% voter turnout sa unang BPE, pinakamataas sa bansa

Comelec: 84.34% voter turnout sa unang BPE, pinakamataas sa bansa

1
0

MANILA, Philippines — Umabot sa 84.34% ang voter turnout sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) noong Setyembre 14, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Katumbas ito ng 2,018,478 botante mula sa 2,393,202 rehistradong botante sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, ito ang pinakamataas na voter turnout na naitala kumpara sa mga nakaraang halalan sa bansa at lumampas sa naunang inaasahang 80% turnout.

Iniuugnay ng Comelec ang mataas na partisipasyon sa mas maayos na voting experience, pinalawak na voter education, pakikipagtulungan sa civil society organizations at transparency sa proseso ng halalan.

Idinaos noong Setyembre 14 ang unang parliamentary elections sa BARMM, kung saan pumili ang mga botante ng mga kinatawan para sa bagong Bangsamoro Parliament. Ang halalan ay itinakda ng Comelec alinsunod sa 2026 election calendar para sa rehiyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here