Home NATIONWIDE Comelec, humiling ng P191.89M para sa Cavite Special Election

Comelec, humiling ng P191.89M para sa Cavite Special Election

2
0

MANILA, Philippines – Hiniling ng operations chief ng Commission on Elections (Comelec) na humingi ng P191.89 milyon mula sa Contingent Fund ng pambansang pamahalaan para sa special election sa Cavite.

Sa memorandum ni Deputy Executive Director for Operations Rafael Olaño kay Comelec Chairman George Garcia, sinabi niyang hindi kayang sagutin ng kasalukuyang badyet ng Comelec ang halalan sa Dasmariñas City nang hindi naaapektuhan ang iba pang nakatakdang eleksyon.

Bagama’t may P11.19 milyon na nakalaan para sa special elections sa ilalim ng Republic Act 12314, tinatayang P191.89 milyon ang kailangan para sa halalan.

Ayon kay Olaño, hindi na maaaring bawasan ang ibang pondo ng Comelec dahil ang 2026 ay itinuturing na “Super Election Year,” kung saan naghahanda rin ang ahensya para sa BARMM Parliamentary Elections sa Setyembre 14 at Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Nobyembre 2.

Ang special election sa Agosto 29 ay itinakda upang punan ang bakanteng puwesto sa Cavite 4th District matapos mapatalsik si dating kongresista Francisco “Kiko” Barzaga noong Hunyo 2 dahil sa umano’y hindi angkop na asal bilang miyembro ng Kongreso.

Kabilang sa mga naghain ng kandidatura ang Mayor Jennifer Barzaga, ina ni Kiko Barzaga, at apat pang iba pang kandidato. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here