Home NATIONWIDE Paratang ng pagsusugal, itinanggi ni DOH chief Pujalte

Paratang ng pagsusugal, itinanggi ni DOH chief Pujalte

2
0

MANILA, Philippines – Itinanggi ni Department of Health (DOH) Secretary Jose “Brix” Pujalte Jr. ang alegasyon na siya umano ay tumatambay sa mga casino para magsugal.

Ayon sa DOH, mariing itinanggi ni Pujalte ang kumakalat na liham na nag-aakusa sa kanya ng pagsusugal sa casino at sinasabing naiulat ang reklamo sa Presidential Complaint Center sa Malacañang.

Nilinaw ni Pujalte na noong Hulyo 20, dumalo lamang siya sa isang opisyal na pagpupulong kasama ang mga opisyal mula Masbate at Sorsogon sa isang hotel.

“Paglilinaw ni Sec. Pujalte Jr., noong Hulyo 20, naimbitahan siya para dumalo sa isang opisyal na pagpupulong kasama ang mga opisyal ng Masbate at Sorsogon sa isang hotel.”

Ayon sa DOH, ang tanging napag-usapan sa naturang pagpupulong ay ang pagbibigay ng tulong sa mga pampublikong ospital sa dalawang lalawigan.

“Tanging ang pagbibigay ng tulong sa mga pampublikong ospital sa rehiyon ang pinag-usapan sa naturang pagtitipon,” pahayag ng DOH.

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Pujalte bilang bagong kalihim ng DOH noong Hulyo 13 matapos magbitiw sa puwesto si dating Health Secretary Dr. Teodoro Herbosa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here