MANILA, Philippines – May person of interest na ang Commission on Elections kung sino ang nasa likod ng pamamaril kay Datu Piang, Maguindanao del Sur Vice Mayor Omar Samama.
“Meron na person of interest dyan sa area na ‘yan. Ayaw lang muna natin magbigay ng mga detalye upang hindi naman ma-istorbo yung kanilang ginagawang investigation,” sinabi ni Comelec Chairman George Garcia.
Ayon sa Comelec, si Sumama na re-electionist ay kasama ng kanyang ama na si Datu Piang Mayor Victor Samama nang barilin ito habang nagsasalita sa entablado sa isang medical-dental services para sa mga internally displaced persons sa barangay Magaslong noong Pebrero 24.
Opisyal na kandidato ng United bangsamoro Justice Party, ang politial arm ng Moro Islamic Liberation Front ang mga Samama.
Nitong Lunes, Marso 3, tinalakay ng Comelec at Philippine National Police (PNP) ang naitalang 29 validated-related violent incidents o ERVIs kung may kaugnayan sa halalan kung saan karamihan sa mga insidente ng karahasan ay naitala sa Bangsamoro Autonmous Region sa Muslim MIndanao (BARMM). Jocelyn Tabangcura-Domenden