MANILA, Philippines – Naglabas ng calendar of activities ang Commission on Elections (Comelec) para sa 2025 Barangay and Sangguniang Kabataan elections (BSKE) sa Disyembre.
Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11132, itinakda ng Comelec ang araw ng Halalan para sa BSKE sa Disyembre 1, 2025
Ang mga botante ay maaaring bumoto mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Agad ding sisimulan ang pagbibilang at canvassing ng mga boto gayundin ang proklamasyon ng mga nanalong kandidato matapos maisara ang botohan.
Ang voter registration at aplikasyon para sa miyembro ng Katipunan ng Kabataan (KK) ay magsisimula sa Hulyo 1 hanggang 11, 2025.
Samantala, sa Hulyo 21 naman ang huling araw para maghain ng oposisyon para sa aplikasyon para sa voter registration at KK members.
Ang iba pang iskedyul ng aktibidad ay ang mga sumusunod:
Hulyo 25 — huling araw para magsagawa ng inspeksyon sa mga voting centers/polling places
Hulyo 28 — pag-apruba o hindi pag-apruba ng mga aplikasyon para sa pagpaparehistro ng botante at pagiging miyembro sa KK; ang listahan ng mga aprubado at tinanggihang aplikasyon ay ipapaskil sa loob ng limang araw matapos mapagpasyahan
Agosto 8 — huling araw para maghain ng kahilingan para sa paglipat/pagbabago/pagwawasto ng pangalan/address ng mga voting centers/ mga polling precinct
Agosto 18 — huling araw para maghain ng petisyon para sa pagsasama ng mga botante
Agosto 25 hanggang Setyembre 15 — onsite project of precincts (POPs) verification
Agosto 26 — huling araw para maghain ng petisyon para sa pagbubukod ng mga botante
Agosto 28 — huling araw para sa pagpupulong ng election registration board (ERB) upang patunayan ang listahan ng mga botante at pag-apruba ng proseso ng abatement sa VRS database
Agosto 28 — huling araw para sa mga ERB, citizen arms, civic organization upang i-verify, sertipikahan, at selyuhan ang listahan ng mga botante para sa BSKE
Setyembre 2 — huling araw ng pag-post ng BSKE certified at final computerized voters’ list
Oktubre 1 hanggang Oktubre 7 — paghahain ng mga sertipiko ng kandidatura
Oktubre 6 — deadline para sa pagsusumite ng mga POP sa Comelec en banc
Oktubre 27 hanggang Disyembre 31 — panahon ng halalan
Nobyembre 20 hanggang Nobyembre 29 — panahon ng kampanya
Nobyembre 30 — Bisperas ng Araw ng Halalan
Disyembre 31 — huling araw ng paghahain ng Statements of Contribution and Expenditures (SOCEs) Jocelyn Tabangcura-Domenden