MANILA, Philippines – Target ng Commission on Elections (Comelec) na makagawa ng 1.5 milyong balota kada araw kapag nagpatuloy na ang pag-imprenta sa Lunes, Enero 27 dahil hinahabol nito ang mga naimprentang nasayang na balota sa inilabas ng temporary restraining order ng Supreme Court.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na gagamitin nila ang lahat ang mga makina ng National Printing Office (NPO) at dalawang bagong makina ng Miru upang maabot ang 1.5 milyon na production capacity.
Ang pag-imprenta na balota ay dapat sanang ipagpapatuloy ngayong Biyernes, Enero 24 subalit muli itong ipinagpaliban at itinakda sa Lunes dahil sa nangyaring pag-atras naman ng senatorial candidate na si Francis Leo Marcos na dahilan nang pag-isyu ng SC ng TRO laban sa desisyon ng komisyon na siya ay idiskwalipika.
Bunsod nito, umapela si Garcia sa iba pang kandidato na may planong umatras sa pagtakbo na mag-withdraw na habang hindi pa nagsisimula muli ang pag-imprenta ng opisyal na mga balota na gagamitin sa national and local elections sa Mayo.
Ayon sa Comelec, tatanggalin na nila ang pangalan ni Francis Leo Marcos o Norman Mangusin sa balota.
Paalala ni Garcia, kapag nag-imprenta na ng balota sa Lunes at may nag-withdraw pa ay hindi na matatanggal ang kanilang pangalan sa balota ngunit sila ay idedeklara na lamang ‘stray votes’ ang knilang boto. Jocelyn Tabangcura-Domenden