MANILA, Philippines – Isang 17-anyos na lalaki ang nasa kustodiya ngayon ng City Social Welfare Department (CSWD) makaraang mahulihan ng tinatayang nasa 200 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa isinagawang buy bust operation sa Cavite City.
Sa report, kinilala ang suspek na si alyas Lance, 17 ng Brgy 41 ng nasabing lungsod
Sa ulat, bandang alas-7:59 kamakalawa ng gabi nang nagsagawa ng buy bust operation ang Station Drug Enforcement Team (DET) ng Cavite Component City Police Station sa lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Nakumpiska mula rito ang tinatayang 200 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na may Standard Drug Price na P24,000.00, buy bust money, isang iPhone at isang sling bag.
Kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 kinahaharap na kaso ng suspek. MARGIE BAUTISTA