MANILA, Philippines – Nagbabala ang Embahada ng Amerika sa Pilipinas laban sa panloloko sa mga aplikante ng US visa.
Sinabi ng Embahada nitong Biyernes, Enero 24 na ang mga aplikante ay maaaring sumunod sa payment steps sa kanilang website lamang.
Babala ng embahada, ang ibang sources ay hindi na lehitimo at totoo.
Hinikayat din ang mga indibidwal na maging maingat laban sa mga visa fraud.
Sa ulat, may mga mapanlinlang na emails at messages ang ipinapadala ng ilang indibidwal na nagpapanggap na empleyado ng gobyerno ng US upang linlangin ang mga aplikante ng visa na magpadala sa kanila ng pera.
Hinikayat din ng embahada ang mga aplikante na bumisita sa kanlang opisyal na website at ph.usembassy.gov/visas upang makatulong na pangalagaan ang kanilang impormasyon at maiwasang maging biktima.
Kung pinaghihinalaan ng isang aplikante na nalinlang o sinamantala, maaaring magpadala ng ulat sa email addrees na [email protected] Jocelyn Tabangcura-Domenden