MANILA, Philippines – “I will appreciate really if Congress will remove the confidential fund from our budget.”
Ito ang hiling ni Ombudsman Samuel Martires sa Kamara sa naging pagtalakay ng House Committee on Appropriations sa panukalang P5.824 billion budget ng Office of the Ombudsman (OMB) para sa taong 2025.
“I’d rather not have a confidential fund until the end of my term of office, than to have a confidential fund where people will be raising their eyebrows. Kumakain ako sa restaurant tapos sasabihin ng tao na iyong tubig na iniinom ko ay galing sa confidential fund,” paliwanag ni Martires nang matanong ni ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ukol sa kung saan napunta ang P31 million at P51 million confidential fund allocations ng Ombudsman sa taong 2023 at 2024.
Sa halip na magkaroon ng confidential funds, hiniling ni Martires na dagdagan na lamang ang budget ng ahensya para makakuha ng dagdag na abogado at maayos ang digitalization program ng ahensya.
“There is a need to hire 60 more lawyers.
There are more non lawyers than lawyers in OMB units involved in investigation,” ani Martires. Gail Mendoza