Home NATIONWIDE 4 biktima ng ‘fake tourist’ scheme na patungong Qatar, nasagip ng BI...

4 biktima ng ‘fake tourist’ scheme na patungong Qatar, nasagip ng BI sa Pampanga

MANILA, Philippines – Naharang ng Immigration officers ang apat na lalaking biktima ng human trafficking sa Clark International Airport (CIA) sa Pampanga sa pagtatangkang illegal na magtrabaho sa Qatar.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) na ang mga biktima ay nagpakilala bilang magkakaibigan na lilipad patungong Singapore para magbakasyon.

Sa kabila nito, dahil sa paiba-iba nilang pahayag ay ni-refer ang mga ito sa ikalawang inspeksyon.

Dito na nila inamin na isa sa kanilang mga kasamahan ang nagrecruit sa kanila bilang
hairdressers at massage therapists sa Qatar na may buwanang sahod na P15,000 hanggang P20,000.

Inamin naman ng kasamahan nila na siya ay narecruit ng isang Dubai-based recruiter at inimbitahan niya ang tatlo niyang kaibigan para sumali.

Siningil ang mga ito ng P10,000 para sa pagproseso ng kanilang mga dokumento.

“Attempting to bypass immigration clearance through deceptive means is illegal and highly risky,” ani Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco.

“Such schemes are not new and are persistently used by traffickers. Our officers are well-trained to detect and prevent these fraudulent activities, including recognizing fake stories and itineraries to persuade immigration officers,” dagdag pa nito.

Inirefer ang mga biktima sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa mas malalim pang imbestigasyon. RNT/JGC