
MANILA, Philippines- Nangunguna pa rin sa senatorial race para sa midterm election si ACT-CIS Representative Erwin Tulfo sa isinagawang 2025 Pre-Election Senatorial Preferential Survey ng Tangere na nakakuha ng 58% voter preference.
Ito ayon kay Tangere CEO Martin Penaflor ay sa kabila ng pagbaba ng 5% sa kanyang voter preference dahil sa bagong isyu kaugnay sa pagiging undocumented worker nito sa United States.
Bumaba ang voter preference ni Cong. Erwin Tulfo sa hanay ng mga kabataan sa edad na 18 hanggang 25 at mula sa edad 51 pataas.
Dahil naman sa patuloy na pagtulong ni re-electionist Sen. Bong Go, sa mga nasunugan, hindi naman siya nalalayo kay Tulfo na nasa ikalawang pwesto na nakakuha ng 51.00% voter preference. May maraming botanteng nagtitiwala kay Go sa bahagi ng Mindanao mula sa hanay ng mga respondents edad 36 hanggang 50.
Ayon kay Penaflor, ang ginawa nilang survey ay sa pamamagitan ng online na isinagawa noong Enero 8-11, kung saan nakilahok ang nasa 2,400 participants gamit ang Stratified random Sampling method (Quota Based Sampling).
Pasok din si Media Executive Ben ‘Bitag’ Tulfo (49.50%) na nakakuha ng malaking suporta ng mga botante sa Visayas regions at NCR.
Sina dating senator Tito Sotto ay nasa 3rd hanggang 4th place na may 48.00% voter preference , isang kapansin-pansing pagbaba ng halos 3% mula sa nakaraang buwan.
Nagtabla naman sa ika-5 hanggang ika-6 na puesto sina dating Senador Manny Pacquaio na may 45.00% at si Senator Pia Cayetano na may 43.17%.
Nasa 7th hanggang 10th na pwesto naman ang apat na kandidato kabilang ang isang bagong kandidato at tatlong incumbent senators.
Kabilang rito si dating DILG Secretary, Benhur Abalos, Jr. na may 36.00% voter preference mula sa upper at lower-middle income classes.
May 35.50% voter preference si Senador Bong Revilla, Jr. habang si Senador Francis Tolentino na may 34.50% voter preference dahil na rin sa malakas nitong social engagement.
Si Senator Lito Lapid ay may 43.21% voter preference mula sa hanay ng edad 26 hanggang 35 na mga botante.
Anim naman ang nagtabla sa 11th at 15th place na pinangunahan ng dalawang dating mga senador na sina Ping Lacson , 32.00% at Imee Marcos na may 31’67 % voter preference.
Senator Abby Binay – 31.50% voter preference;
Senator Bato Dela Rosa – 31.00% voter preference;
Former Senator Kiko Pangilanan – 30.71% voter preference; at
Former Senator Bam Aquino – 30.58% voter preference.