Home OPINION COVID-19 CLAIMS UMABOT SA PHP16.7B, AYON SA PHILHEALTH

COVID-19 CLAIMS UMABOT SA PHP16.7B, AYON SA PHILHEALTH

SINABI ng PHILHEALTH o Philippine Health Insurance Corporation na umabot sa kabuuang Php16.7 billion ang reimbursement claims noong taong 2023 na may kaugnayan sa COVID-19 sakop ang in-patient care, testing, services and supplies for tes­ting ng laboratories, isolation measures, community isolation package at home isolation package.

Simula taong 2020, maging ito ay Covid-19 o hindi, ang mga pasyente ay dapat mapagkalooban ng lahat ng tulong pinansyal tulad ng ginagarantiyahan ng Universal Health Care Law.

Alinsunod dito, sinusuri ng PhilHealth ang mga dating polisiya upang mas mapahusay ang pagtugon sa mga pambihirang kahilingan na dala ng pandemikong ito, na magdudulot ng pinakamahalagang interes sa mga pasyente. Ang mga pinahusay na patnubay ay ipapalabas sa lalong madaling panahon para matiyak na may sapat na proteksyon sa pananalapi, maa­yos maibibigay sa mga pasyente nang hindi nakompromiso ang kalidad ng pangangalaga.

Pinakamalaki ang in-patient care na siyang 88% na bumubuo sa claims na nasa Php14.6 billion para sa 72,511 claims.

Kabilang dito ang critical pneumonia para sa adult at pe­diatric, Php5 billion; severe pneumonia para sa adult at pediatric, Php4.5 billion; moderate pneumonia, Php4 billion; at mild pneumonia para sa elderly at sa mga mayroon comorbidities, Php685 billion.

Nakapaloob din sa in-patient care ang full financial risk protection for health workers na nasa Php336 million, intermediate package, severe and critical pneumonia na Php2.8 million, at intermediate package, moderate pneumonia, Php2.3 million.

Halagang Php1.97 billion naman ang ibinalik ng PHILHEALTH para sa COVID-19 testing para sa 852,779 claims o 12% ng kabuuang reimbursement. Ang testing services and supplies na ipinagkaloob ng mga laboratories ay umabot sa Php1.4 billion.

Para sa isolation measures, nagbayad ang health insurer corporation ng Php86.6 million para sa 4,208 claims.

Nasa Php81.68 million sa community isolation package para sa 3,643 claims. Sa mga admission sa ICU o intensive care unit, nasa Php2.17 million para sa 97 claims. Halagang Php2.76 million naman sa home isolation package para sa 97 claims.

Sinabi na ng pamunuan ng PHILHEALTH na ngayon taon ay mag-uumpisa na ang rationalization ng mga case rate para sa iba’t ibang kondisyon ng COVID-19.

Previous articleBatas para sa internet voting kailangan – Pimentel
Next articleUBOS NA SA SURIGAO DEL NORTE