Home OPINION UBOS NA SA SURIGAO DEL NORTE

UBOS NA SA SURIGAO DEL NORTE

MAGANDANG balita! Tahimik na ang matagal na binabagabag na lugar ng Surigao del Norte na kamakailan lamang ay idineklarang ‘insurgency-free’. Ibig sabihin, wala ng mga insurektos o mga nanggugulong rebelde.

Pinangunahan pa nga ni Governor Robert Lyndon S. Barbers ang panunumpa ng suporta sa mga ‘friends rescued’, yaong bang mga rebeldeng nailigtas dahil nahikayat na magbalik-loob na lamang sa pamahalaan.

Ang deklarasyon naman ay nagmula sa Joint Resolution No. 11-2023 ng Provincial Peace and Order Council at Provincial Development Council na ginawa naman sa Surigao City.

“With the help of everyone, we have weakened the guerrilla fronts in the whole of Mindanao. This, we express our heartfelt congratulations to Surigao del Norte province as it is a testament of good governance.”

‘Yan naman ang sinabi ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict Executive Director Ernesto Torres, Jr. hinggil sa pagdedeklara ng probinsiya na ito ay malaya na sa kaguluhan at ngayon ay may katiwasayan na.

At sa katiwasayang ito ipinangako ni Torres na wala nang balakid sa NTF-ELCAC sa pagbibigay serbisyo nito sa mga komunidad ng probinsiya na dati’y pinepeste ng CPP-NPA-NDF.

37 na ‘friends rescued’ na dati ang tawag ay former rebels, ang bumubuo ng huling batch ng nagsisukong rebelde sa Surigao del Norte, ang naalalayan pa dahil sa kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan.

Tumanggap sila ng iba’t ibang uri ng tulong, pinansiyal man o’pagsasanay at orientation para muling mamuhay sa kanilang mga tamang lipunan na ginagalawan.

Kay Gov. Barbers pa lang ay may P5,000 kada isang FR. At iniulat nga ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na sa kanyang departamento ay dumaan ang P904,269 financial and livelihood assistance para sa mga FR. Galing daw sa DILG-administered Enhanced Comprehensive Local Integration Program na pinanganagsiwaan din ng NTF-ELCAC.

Sa totoo lang,  ang Surigao del Norte ay nakatanggap na ng P10.059-billion na pondo ng ECLIP para sa 98 FR sa loob ng nakalipas na anim na taon.

Tumanggap na rin daw ang probinsiya ayon kay Abalos ng P1.067-billion SBDP o’ Support to Barangay Development Program para sa tatlong siyudad, tatlong munisipalidad at 70 barangays para sa mga projects gaya ng farm-to-market roads, water and sanitation, health stations, schools, rural electrification, atbp.

“Linggo-linggo sumusuko na ang halos lahat ng mga New People’s Army. They’re weakened at nagigising na ang mga tao sa panloloko ng NPA,” ang pahayag ni Abalos, na pinatutukuyan ay di lamang Surigao del Norte kung di sa lahat na ng panig ng bansa.

Talagang ubos na sa Surigao, dahil nakita na ng mga kababayan natin doon ang pagkakaiba ng serbisyo ng pamahalaan kaysa sa pinapangakong ‘di naman màgawa ng mga komunistang-terorista. Puro panggugulo lamang.

Saan at ano pa ang nanaisin mo kung ibinababa na ng pamahalaan ang pondo at serbisyo sa mga lugar para lamang mawala ang kaguluhan?

 

 

 

Previous articleCOVID-19 CLAIMS UMABOT SA PHP16.7B, AYON SA PHILHEALTH
Next articleYOU CAN’T PUT A SUPERB LEADER DOWN