Home OPINION YOU CAN’T PUT A SUPERB LEADER DOWN

YOU CAN’T PUT A SUPERB LEADER DOWN

SA kalagitnaan ng katahimikan ng gabi ay naiistorbo’t nabubulabog ang kapitbahayan dahil sa dumadalas na pagtitipon sa mga barangay na inoorganisa ng mga political group.

Ito’y dahil ang halalan fever ay nagsimula na namang umarangkada kaya” meeting dito at meeting doon” ang ginagawa ng mga pulitikong nagbabalak tumakbo sa  May 2025 mid-term elections.

Sa ating bansa, ang paninira ay matandang estilo sa pangangampanya, kaya tulad ng dapat asahan – bato rito, pukol ng putik sa mga makakalaban ang naririnig sa bunganga ng mga nagtatalumpating  aspiring  politician.

Hindi maikukubli na very slim ang tsansang panalo ng ganitong pulitiko, lalo’t ang binabanatang rival ay certified performer na kahit anong paninira ay hindi makakaapekto sa mabango nitong  pangalan.

Lima singko at tiyak na dadami pa habang papalapit ang election, pero huwag na tayong lumayo dahil sa amin sa lungsod ng Caloocan, rumatsada na rin ang mga naninirang pulitiko.

Halos dalawang taon pa bago ang halalan, pero target na ng maagang “black propaganda” si Mayor Dale Gonzalo ‘Along’  Malapitan at 1st district Congresssman Oscar ‘Oca’ Malapitan.

Kung sabagay,  ‘di na bago ang katulad na senaryo dahil sa mga nagdaang election ay naging umagahan, tanghalian at hapunan na ng mag-ama ang  paninira sa kanila ng mga kalaban sa politika.

Modernong bagong eight-storey Caloocan City hall,  state of the art hospitals,  konstruksyon ng mga gusali at  establishment ng ilang  sangay ng University of Caloocan City ay ilan lang sa

sandamakmak na proyekto’t programa (‘di magkakasya sa ating espasyo sa dami) na nagpapatotoo o patunay sa tinatamasa ngayong kaunlaran ng  Caloocan na nagpapaalala sa magaling na liderato ng mga” Malapitan.”

Ilang election nang pinupukol ng putik at sa ika…..pung pagkakataon ay puntirya na naman ng mga malisyosong akusasyon pero tulad ng nakagawian ay piniling manahimik – tuloy lang ang trabaho ni Mayor Along at Cong. Oca sa paglilingkod sa mga batang Kankaloo.

Sa kasaysayan, ‘di mapasisinungalingan na ang magaling at maayos na pinuno ay hindi basta-basta magigiba gaano man katindi ang daluyong ng paninira ng kahit sinong Poncio Pilato.

Dahil sa totoo lang “You can’t put a superb leader down!”

Previous articleUBOS NA SA SURIGAO DEL NORTE
Next articleAbalos sa DILG: Electrical connections sa PGH busisiin