Home NATIONWIDE CPD nababahala sa health risks dulot ng teenage pregnancy

CPD nababahala sa health risks dulot ng teenage pregnancy

MANILA, Philippines – Nababahala ang Commission on Population Development (CPD) sa posibleng epekto sa kalusugan ng isang dalaga ang maagang pagbubuntis o teenage pregnancy.

Ayon kay CPD Executive Director Lisa Bersales, batay sa kanilang monitoring, ang pagkabuntis sa age group na 15 hanggang 19 ay bumaba sa 5.4% noong 2022 mula sa 8.5% noong 2017.

“But 5.4 percent girls aged 15 to 19 is one too many,” sinabi pa ni Bersales sa panayam ng ANC.

Sa kabila nito, napansin ng opisyal na mayroong “increasing trend” sa mga nabubuntis na mga dalaga edad 10 hanggang 14 na lubha umanong nakababahala.

“There has been a 21.6 percent from 2016 to 2021. That is something we are alerting everyone about,” aniya.

Ayon kay Bersales, posibleng maapektuhan ang katawan ng isang dalaga kapag umabot ito ng adulthood.

“Why are we worried? Girls that age 10 to 19, they are supposed to be in the stage of preparing themselves for adulthood and… [to prepare for] good opportunities for better education,” pagtatapos niya. RNT/JGC