Home OPINION CPP-NDF-NPA HIBANG NA 

CPP-NDF-NPA HIBANG NA 

NOONG July 25, 2023 naglabas ng pahayag o propaganda ang CPP-NPA-NDF na di raw nila tatanggapin ang anomang pagtatangka ni Pangulong Bongbong Marcos na maghain ng “amnesty” para sa gaya nilang mga rebelde.

Hibang na nga siguro ang mga ito, kaya paulit-unlit na lang ang kanilang pagtanggi na kahit pagpapatawad ng pamahalaan sa kanilang ‘pambababoy’ sa iba nating mga kababayan at mga kanayunang kanilang sinira ay ganun pa din ang kanilang propaganda.

Hibang pa rin sila sa paniniwala na ang kanilang pakikipaglaban sa pamahalaan ay para sa kalayaan at hustisya. Kalayaan? Hustisya? Alam ba nila talaga ang kahulugan ng mga salitang ito?

Kalayaan ba para sa kanila ang manikil at pumatay ng Kapwa Filipinong ayaw silang samahan o suportahan? Hustisya ba para sa kanila ang iwanan na lang ang kasamahang nasugatan sa labanan na kung minsan sila na rin mismo ang pumatay para lamang ‘di sumuko sa ating mga sundalo?

Sa natitira nilang puwersa, na sabi ng ating Sandatahang Lakas ay wala na sa dalawang-libo ang bilang, ay ganito pa ang ating maririnig? Samantalang ang inaalay na sa kanila ni PBBM ay panibagong buhay, upang tunay nilang paniwalaan na ang pamahalaan ay sinsero sa adhikain nito na bawasan ang kahirapan at panatiliin ang kapayapaan para umusad ang kaunlaran.

Ang kanilang pagtangging tanggapin ang ‘amnesty’ ni PBBM ay nangangahulugan lamang na sila ay ‘di talaga sangayon sa kapayapaan at kaunlaran. Hindi sila makatao, kundi mga salot ng lipunan.

Ang mahigit limang-dekada nilang panggugulo sa ating bayan kung gayon ay ‘di rin katanggap-tanggap at nararapat lamang na kanilang pagbayaran. Kung ganito ang kanilang gusto ay hayaan na natin silang mangamatay dahil sa mali nilang ipinaglalaban.

Hayaan na natin silang magising sa katotohanan na darating ang panahon na wala na silang pupuntahan kundi ang pagsuko sa pamahalaan.  Pagbayarin natin sila sa kanilang mga kasalanan nang pagpapatayin nila ang marami nating mga inosenteng kababayan sa  mga kanayunan.

Ang paghahain ni PBBM ng amnesty ang pinakamabisang paraan para makamtan ang kapayapaan at kaunlaran na kanilang sinasabi. Pero kundi nila makuha ang intensiyong ito ni PBBM, eh hayaan na nating mamatay o mahirapan sila sa pakikipaglaban sa ating Sandatahang Lakas na nakahanda silang lipulin at naitakda na ang kanilang pagkagapi sa katapusan ng taon na ito.

oOo   oOo    oOo

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh!