Home NATIONWIDE Crime rate sa Metro Manila bumaba mula Enero ‘gang Pebrero 2025

Crime rate sa Metro Manila bumaba mula Enero ‘gang Pebrero 2025

MANILA, Philippines – Bumaba ng 21.71% ang crime rate sa Metro Manila mula Enero 1 hanggang Pebrero 15, 2025, kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa NCRPO.

Sa unang 46 araw ng 2025, bumaba mula 852 noong 2024 sa 667 ang bilang ng walong focus crimes—murder, homicide, physical injuries, rape, robbery, theft, at carnapping—katumbas ng 185 kaso na nabawasan.

Pinakamalaking pagbaba ang naitala sa homicide na bumaba ng 50%, sinundan ng rape (41.57%), physical injuries (38%), murder (34.62%), at theft (23.08%).

Iniuugnay ng NCRPO ang pagbaba ng krimen sa mas pinaigting na presensya ng pulisya sa mga pangunahing lansangan, mas epektibong intelligence operations, at mas matibay na kooperasyon sa hudikatura.

Samantala, tumaas ang crime solution efficiency rate mula 93.91% noong 2024 patungong 95.84% ngayong 2025, na nangangahulugang mas maraming kaso ang nalulutas.

Ayon kay NCRPO chief Police Brigadier General Anthony Aberin, ang patuloy na pagbaba ng krimen at pagtaas ng crime solution rate ay resulta ng matibay na ugnayan sa pagitan ng pulisya at komunidad. Santi Celario