Manila, Philippines- Mabigat pa rin ang dalahin sa dibdib ni Cristine Reyes.
Ito ay makaraang pumanaw ang kanyang adoptive father na si Demetrio “Metreng” Pascual.
Bale ba, nakuha pang i-vlog ng aktres ang kanyang pagbisita sa tinawag din niyang Daddy Yow sa dati niyang tinitirhan sa Santolan.
Buhay pa pero naka-wheelchair na ang ama-amahan ni Cristine.
Tila sinadya ng aktres na hindi na magpakita sa ospital na pinagdalhan nito.
Aniya: “Hindi ko kayang makita ka doon…”
Gayunpaman, naniniwala si Cristine na payapa na si Daddy Metreng.
“Kulang ang salitang ‘salamat’ sa ibinigay mong pagmamahal sa akin,” wika ni Cristine.
Matatandaang nagpatulong kamakailan ang aktres sa paghahanap ng mauupahang bahay somewhere in Santolan.
Ito’y para doon itira si Daddy Metreng who needed sunlight para sa ikagagaling nito.
Speaking of the video ng kanyang pagdalaw sa tatay-tatayan: “This is my memory of him.”
Nakuha pang makisalo sa pagkain ni Cristine doon kasama ang adoptive dad na hirap magsalita. Ronnie Carrasco III