Home METRO Magsasakang gumagawa ng baril arestado

Magsasakang gumagawa ng baril arestado

CEBU CITY- Arestado ng isang magsasaka na ilegal na gumagawa ng mga baril matapos salakayin ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group-Cebu Provincial Field Unit ang bahay nito, noong Biyernes sa Danao City.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Maria Josefa Pinza Ramos, ng Danao City Regional Trial Court Branch 90, nadakip ang suspek na si Alejandro Castro Jr., 46, at residente ng Barangay Cahumayan, Danao City.

Ayon kay Police Lt. Col. Randy Korret, nakuha sa suspek ang apat na .45 caliber pistols, magazine, at isang caliber .38 revolver na may mga bala.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sinabi ng CIDG-7, ang naturang operasyon ay bahagi ng “Oplan: Paglalansag Omega,” ng flagship program ng pamahalaan kontra loose firearms. Mary Anne Sapico