Manila, Philippines – Ikinataranta to the point na naintriga ang mga netizens dahil deactivated ang Instagram account ni Cristine Reyes.
Agad namuo sa isipan ng mga netizens na baka may kinalaman ito sa balitang problema sa pagitan ng aktres at ng kanyang nobyong si Marco Gumabao.
Tumindi pang lalo ang pagdududa ng mga netizens dahil wala si Cristine nang ipagdiwang ni Marco ang kanyang 30th birthday nitong August 14, Miyerkoles.
Ang tumayong tagapagsalita ni Cristine ay ang ate niyang si Ara Mina.
Are her sister and Marco going through some rough patch?
Ani Ara: “They’re okay. Walang problema sa kanila!”
If so, why is Cristine’s IG account deactivated nito pang August 14?
Still, answering on behalf of Cristine, ayon kay Ara ay sinadya raw ng nakababatang kapatid na mag-social media detox.
‘Yun daw ay para hindi ito maistorbo sa ginagawa nitong pelikula which is intended for this year’s Metro Manila Film Festival.
Ang tinutukoy ni Ara ay ang The Kingdom which Cristine is doing with Vic Sotto and Piolo Pascual.
Hindi naman pala exactly naka-social media detox ang aktres dahil kinabukasan, August 15 ay nag-post siya ng birthday greeting para kay Marco albeit belated.
Post ni Cristine sa Facebook: “Mahal ko ‘yan! Thirty na ‘yan!”
Speaking of the term “thirty,” maging si Marco posted: “Not dirty thirty!”
Kasabay nito’y ang abut-abot niyang pasasalamat sa mga dumarating na blessings sa kanya.
Sa madaling salita, walang dapat ikasuspetsa ang mga netizens dahil sina Cristine at Marco pa rin despite their age gap. Ronnie Carrasco III