Home NATIONWIDE CSC memo kinwestyon sa Korte Suprema

CSC memo kinwestyon sa Korte Suprema

114
0

MANILA, Philippines – KINUWESTYON sa Korte Suprema ang isang memorandum ng Civil Service Commission o CSC, sa gitna ng Eleksyon 2025.

Naghain ng petisyun sa Korte Suprema ang Bayan Muna at Courage para ideklarang “unconstitutional” ang CSC memorandum no. 3 series of 2025, na patungkol sa paggamit ng social media ng mga kawani ng pamahalaan at nagpapaalala sa “political neutrality” sa panahon ng halalan.

Nais ng petitioners na mag-isyu ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order o TRO at Writ of Preliminary Injuction, habang wala pang resolusyon ang Kataas-taasang Hukuman.

Katwiran ng mga petitioner, ang naturang CSC memo ay mapanganib, lalo na sa karapatan at kalayaang makapaghayag ng mga tao. Sa katunayan ay ramdam na ang “chilling effect” nito at maraming kawani ang umano’y nagrereklamo.

Anila, hindi sila papayag na busalan ang bibig ng mga manggagawa ng gobyerno, at tiniyak na lalaban ito sa korte pati sa lansangan.

Punto pa nila, kung ang mga taga-Palasyo ay hayagang ini-endorso ang mga kandidato ng administrasyon, bakit ang mga ordinaryong kawani ay tila pinatatahimik.

Una nang binatikos ang CSC memo na sinasabing nagbabawal sa mga kawani ng pamahalaan na mag-like at mag-share ng “political posts” sa social media.

Pero paglilinaw ng CSC, maaari namang mag-like, share, comment at repost basta’t hindi ito pangangalap ng suporta o pagtutol sa isang kandidato o partido ngayong Eleksyon 2025.

Nagpaalala rin ang CSC sa mga kawani ng gobyerno na dapat maging maingat sa paggamit ng social media at iwasan ang partisan political activities. TERESA TAVARES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here