Home ENTERTAINMENT Kobe, nagsama ng ibang babae sa Bali!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Kobe, nagsama ng ibang babae sa Bali!April 25, 2025 17:27 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – There goes artist manager cum vlogger Ogie Diaz again–naka-scoop na naman kasi siya ng isa na namang hiwalayan sa showbiz!Tila nagiging forte na ni Ogie ang maghatid ng mga ulat tungkol sa showbiz breakups sa mismong online program nila.Ang latest–ang kumpirmado nang paghihiwalay nina Kyline Alcantara at Kobe Paras.Quoting his source, third party on Kobe’s part ang dahilan.Ang kuwento, nagbakasyon daw si Kobe sa Bali, Indonesia na ibang babae ang kasama.Sighted sila sa airport pa lang daw.At dahil may kasabihan ngang: “May tenga ang lupa, may pakpak ang balita,” nakarating ito sa kaalaman ni Kyline.Eh, ano pa nga ba ang aasahang reaksyon ng Kapuso actress kundi galit na galit?Bale ba, nakalap din ni Ogie na may mga girls ding dinadala si Kobe sa kanyang private room.And to lend credence to the story na hiwalay na nga ang dalawa, pareho nang nag-unfollow sa isa’t isa sina Kyline at Kobe sa social media.The height nga raw ng natuklasan ni Kyline, the nerve na mga sasakyan pa raw ng aktres ang gamit nito when dating other girls.Matatandaang nagsimulang umugong na hiwalay na ang magnobyo nang i-unfollow ni Kyline si Kobe.Itinanggi naman ito mismo ng ama ni Kobe na si Benjie Paras who was quoted to have said: “No, sila pa rin!” Ronnie Carrasco III