Home ENTERTAINMENT John, aasikasuhin ang unpaid bills at upa ni Nora!

John, aasikasuhin ang unpaid bills at upa ni Nora!

Manila, Philippines- Hanggang sa huling hantungan, nanatiling low profile si John Rendez sa araw ng libing ni Nora Aunor.

The remains of the country’s Superstar and National Artist for Film and Broadcast Arts were laid to rest at the Libingan ng mga Bayani.

Sa mga masugid na Noranians who rode six buses en route to Nora’s final resting place nakisabay si John.

Si John ang matalik na kaibigan ni Nora sa loob ng 33 taon.

Kahit nasa Heritage Park pa lang, John maintained his low-key stance all the way to the Libingan ng mga Bayani.

Nakatiyempo lang ng pagkakataon si John na lumapit sa puntod ni Nora nang lahat ang mga ito.

Left alone, doon na lumuhod si John sa hukay kung saan inilagak ang mga labi ni Nora at saka humagulhol.

Pati nga mga natirang fans doon ay napaiyak na rin.

Samantala, ayon kay John ay kallangang ma-settle muna ang bayad sa inuupahan nilang bahay ni Nora sa Quezon City.

Naroon daw lahat ang mga naiwang gamit ng singer-actress.

Ani John, hindi lang siya ang iniwan ni Nora kundi ang kanilang aso na si Rocky.

Bukod sa pagse-settle ng bayarin sa upa, may mga unpaid bills din daw na kailangang asikasihin.

Ang pag-uusap daw nila ni Nora over dinner na kasama ang staff nito ang mami-miss ni John, lalo’t hindi raw maselan sa pagkain si Nora. Ronnie Carrasco III