Home NATIONWIDE DA pinuri ng solon sa rice program

DA pinuri ng solon sa rice program

Pinuri ni Navotas Representative Toby Tiangco ang Department of Agriculture (DA) sa patuloy nitong pagsusumikap na palawakin ang ₱20-per-kilogram rice program — isa sa mga pangunahing inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mas malawak na akses sa abot-kayang pagkain.

“We thank the Department of Agriculture for its commitment to innovating and finding ways to make President Marcos’ ₱20 rice goal a reality for more Filipinos,” ani Tiangco.
“This is a strong signal that the government is taking real steps to address food security and combat hunger.”

Ipinunto ni Tiangco ang tuloy-tuloy na pagpapalawak ng programa matapos ang pilot launch sa Visayas at kasalukuyang pagbebenta ng ₱20/kilo bigas sa ilang KADIWA stores sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Mindoro, at Rizal.

“Through this initiative, we aim to ease the financial burden on Filipino families while ensuring our farmers are justly compensated for their produce. Hindi lang ang mga consumer kundi pati ang ating mga magsasaka ang nakikinabang sa programang ito,” dagdag ni Tiangco.

Sa kasalukuyan, nakalaan ang ₱20/kilong bigas para sa mga mahihinang sektor gaya ng low-income families, senior citizens, solo parents, at mga persons with disabilities (PWDs).

Binanggit din ni Tiangco ang pilot partnership ng DA at Department of Labor and Employment (DOLE) na layong isama sa programa ang mga minimum wage earners.

“Natupad na ng Pangulo ang kanyang pangakong ₱20 kada kilong bigas. Sa tulong at pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, patuloy po nating palalawakin ang programang ito upang maisakatuparan ang layunin ng administrasyon na mabigyan ng akses ang mas nakararami,” ani pa ng kongresista.

— Jojo Rabulan