Home NATIONWIDE DA sa pork vendors: ‘Wag manamantala sa presyo sa nagdaang bagyo

DA sa pork vendors: ‘Wag manamantala sa presyo sa nagdaang bagyo

MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Agriculture (DA) na ang suplay ng baboy sa merkado ay available, affordable at accessible sa gitna ng mga ulat na ibinebenta ito sa halagang P420 kada kilo.

Umapela rin ang ahensya sa mga negosyante na huwag samantalahin ang nagdaang bagyo.

Tinuran ito ni DA Undersecretary D.V. Savellano makaraang bumisita sa ilang supermarket noong Martes para tingnan ang presyo ng manok at baboy.

Napag-alaman niya na ang kasim (balikat ng baboy) ay ibinebenta sa halagang P263 kada kilo hanggang P380 kada kilo, habang ang liempo (tiyan ng baboy) ay nagtitingi ng P345 kada kilo, ngunit ang mga naunang ulat ay pinatunayan ng presyo nito na umaabot sa P420 kada kilo. kilo. Ang manok ay ibinebenta sa halagang P160 kada kilo.

Kaugnay nito umapela din si Savellano sa mga mangangalakal na huwag samantalahin ang epekto ng Bagyong Aghon sa mga produktong agrikultura para magtaas ng presyo.

“Pakiusap namin, huwag naman mag-take advantage sa situation, especially ngayon sinabi kanina may bagyo na nagyari sa Quezon. Baka may mag take advantage, huwag naman.” Santi Celario