Home NATIONWIDE Dagdag 25,300MT ng raw sugar in-quota allocation iginawad ng US sa Pinas

Dagdag 25,300MT ng raw sugar in-quota allocation iginawad ng US sa Pinas

MANILA, Philippines- Ginawaran ng United States government ang Pilipinas ng mahigit 25,000 metric tons (MT) ng karagdagang raw sugar allocation na maaaring ipasok sa Amerika sa fiscal year 2024, ayon sa Office of the US Trade Representative (USTR) nitong Martes.

Sinabi ng USTR na inilaan nito ang karagdagang 125,000 metric tons raw value (MTRV) bukod sa 1,117,196 MTRV na nauna nitong ipinangako sa ilalim ng World Trade Organization agreement para sa fiscal year 2024 (October 1, 2023 hanggang September 30, 2024).

Binibigyang-daan ng MTRV allocation scheme ang US government na makapag-export ang mga bansa ng partikular na bilang ng produkto sa United States sa “relatively low tariff.”

Para sa Pilipinas, naglaan ang USTR ng karagdagang 25,300 MTRV para sa fiscal year 2024, bukod sa dagdag na 125,000 MTRV na ikinasa nito.

Hindi rin kasama rito ang 145,235 MTRV in-quotation allocation na nauna na nitong inanunsyo para sa Pilipinas ngayong taon.

Ang huling shipment ng Pilipinas sa US ay noong crop year 2020-2021 nang magdala ito ng 112,008 MT commercial weight ng raw sugar. RNT/SA

Previous articlePutol na katawan ng tao nadiskubre sa CALAX
Next articleObrero, lolo himas-rehas sa kasong rape