Home METRO Putol na katawan ng tao nadiskubre sa CALAX

Putol na katawan ng tao nadiskubre sa CALAX

MANILA, Philippines- Isang bangkay ng lalaki na hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ang natapuan na nakasilid sa garbage plastic bag na walang kamay at paa, ang natagpuan kamakalawa ng gabi sa isang kanal sa bahagi ng CALAX sa Brgy. Kaong, Silang, Cavite.

Ayon sa ulat ni PCpl. Jayson Santos, may hawak ng kaso, dakong alas-6:40 ng gabi nang makatanggap sila ng tawag mula sa isang motorista hinggil sa pagkakatagpo sa putol na katawan sa bahagi ng Calax west bound ng nasabing lugar.

Nakabalot ito sa itim na garbage bag at ang tanging pagkakakilanlan dito ay ang tattoo nito sa kaliwang dibdib na may pangalang ‘Hasmin’ at yinyang logo. 

Base naman Kay PCaptain Connie P. Susmerano, nasa kustodiya ng SOCO ang katawan ng biktima para sa isinasagawang awtopsiya pagtukoy sa posibleng pagkakakilanlan nito.

Inaalam din ng pulisya kung ang mga sugat na nakita dito ay mula sa mga bala o saksak ng patalim.

May posibilidad na itinapon lamang ito sa nasabing lugar upang mailigaw ang imbestigasyon ng pulisya.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up ang pulisya hinggil sa nasabing kaso. Nangangalap na rin ang mga ito ng mga kuha ng CCTV na maaaring makpagtuturo sa mga suspek na nagtapon sa bangkay. Margie Bautista

Previous articlePersons of interest sa pagpatay ng mag-inang balikbayan 4 na
Next articleDagdag 25,300MT ng raw sugar in-quota allocation iginawad ng US sa Pinas