Home METRO Persons of interest sa pagpatay ng mag-inang balikbayan 4 na

Persons of interest sa pagpatay ng mag-inang balikbayan 4 na

MANILA, Philippines- Apat na ang itinuturing na persons of interest, base sa pagsisiyasat ng Quezon PPO Special Investigation Task Group “MOTEGI,” hinggil sa natagpuang bangkay ng mag-inang Lorry Litaga at Mai Motegi na nakabaon sa lupa sa isang Subdivision sa Barangay Isabang, Tayabas, Quezon.

Sa isinagawang conference ng Special Investigation Task Force “Motegi,” sa pamumuno ni PCol. Ledon Monte, Quezon Provincial Director, tinukoy ng mga testigo ang mga taong umano’y responsable sa pagkasawi ng mag-ina na kapwa itinuturing na persons of interest sa krimen.

Samantala, nitong Lunes, dakong alas-7:05 ng gabi nang salakayin ang Bahay ng isa sa persons of interest, sa bisa ng search warrant, kung saan narekober ang 136 piraso ng 10,000 na ” lapad” o Japanese Yen na katumbas ng P30,000, gayundin ang kagamitang tinukoy ng mga saksi bilang ebidensya.

Bukod dito, isang alyas Oliva ang itinuturing na person of interest, gayundin ang tatlong lalaki sa pagkasawi ng mag-inang balikbayan na sina Lorry at Mai.

Nanawagan at nakikiusap si PCol Monte sa publiko na makipagtulungan at suportahan ang kanilang isinasagawang imbestigasyon hinggil sa pagkasawi ng mag-ina, na hinihinalang pinaslang dahil sa alitan sa pera. Ellen Apostol

Previous articlePaghuhukay sa baybaying dagat sa Zambales ikinatakot ng mga residente
Next articlePutol na katawan ng tao nadiskubre sa CALAX