Home METRO Paghuhukay sa baybaying dagat sa Zambales ikinatakot ng mga residente

Paghuhukay sa baybaying dagat sa Zambales ikinatakot ng mga residente

ZAMBALES- Ikinabahala ng mga residente na nakatira malapit sa baybaying dagat sa ilang lugar sa Zambales ang ginagawang paghuhukay ng Chinese workers sa pangambang makasisira ito sa kanilang kabuhayan.

Sa panukalang inihain ni Senator Jinggoy Estrada, chairman ng Senate committee on national defense, ang Senate Resolution 966, nakapaloob dito na ang mga gawaing paghuhukay ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa buhay ng mga residente ng Zambales na umaasa sa pangingisda at maaaring makagambala sa kabuuang balanse ng ecosystem.

Binanggit din nito sa kanyang resolusyon ang pagkabahala ng mga residente mula sa San Felipe, Zambales sa patuloy na dredging activities at mga nakadaong na hindi bababa sa 14 dredging vessels na umano’y pinamamahalaan ng Chinese crew members sa munisipyo.

Pinahintulutan naman ito ni San Felipe Mayor Reinhard Jeresano, sa katwiran na ang mga ito ay dapat na nagpapatibay sa mga scheme ng pagbawas sa baha sa mga masikip na ilog, kung saan ang mga nakuhang buhangin ay dinadala sa ilang reclamation area.

Sinabi naman ni Estrada na ang isyu sa baha ay mariing pinabulaanan ng mga residente.

Dagdag pa ng senador, ang nasabing aktibidad ay isinasagawa ng China Harbour Engineering Co., pangalawang pinakamalaking kompanya ng dredging sa mundo at isang subsidiary ng China Communications Construction Co. (CCCC).

Samantala, ipinagtanggol naman ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. nitong Martes ang naturang aktibidad.

Katwiran ng gobernador, ang mga ginagawang paghuhukay ay upang malinis ang ilog mula sa mga hiwa sa buhangin at lahar dulot ng 1991 Mount Pinatubo eruption.

Aniya, tumaas ang tubig sa ilog at kapag umapaw ay lalabas ito sa bukid na magresulta ng matinding pagbaha kaya kailangang gawan ng channel para ang tubig ay makadaloy palabas ng ilog. Mary Anne Sapico

Previous article24 PDLs sa Iwahig laya na
Next articlePersons of interest sa pagpatay ng mag-inang balikbayan 4 na