Home METRO 24 PDLs sa Iwahig laya na

24 PDLs sa Iwahig laya na

MANILA, Philippines- Pinalaya mula sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) ang 24 na Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Isinagawa ang culminating activity sa pangunguna ni C/CINSP Gary A. Garcia at mga opisyal ng IPPF.

Sa kanyang talumpati, iginiit ni Garcia na ang mga bagong laya ay dapat ituring bilang “renewed individuals” na nakapasok na muli sa lipunan.

Ipinaalala rin ni Garcia sa mga bagong laya na panatiliin ang magandang asal na itinuro sa kanila habang nasa penal farm.

Ang lahat ng mga pinalayang PDLs ay nakatanggap ng transportation allowance mula sa bureau at karagdagang tulong mula sa DSWD.

Alinsunod ang tuloy-tuloy na pagpapalaya sa mga PDL sa direktiba ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na palayain na ang mga kwalipikadonh PDL batay sa Republic Act No.10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law. Teresa Tavares

Previous articleOperasyon ng ilang MRT-3 stations tuloy sa Holy Week
Next articlePaghuhukay sa baybaying dagat sa Zambales ikinatakot ng mga residente