Home METRO Operasyon ng ilang MRT-3 stations tuloy sa Holy Week

Operasyon ng ilang MRT-3 stations tuloy sa Holy Week

MANILA, Philippines- Tuloy ang biyahe ng MRT-3 sa ilang istasyon sa Mahal na Araw sa gitna ng suspensyon ng MRT-3 railway system operations.

Ayon sa DOTr-MRT-3 nitong Martes, gugulong ang operasyon ng ilang istasyong konektado sa pick-up at drop-off points ng ESDA Bus Carousel mula March 28 hanggang 31.

Bukas ang sumusunod na istasyon para sa EDSA Bus Carousel passengers:

  • Quezon Avenue Station

  • Santolan Station

  • Ortigas Station

  • Guadalupe Station

  • Buendia Station

Pinayuhan naman ang mga mananakay ng MRT-3 na sumakay sa ibang uri ng transportasyon, tulad ng EDSA Bus Carousel, sa Holy Week.

Muling aarangkada ang MRT-3 operations sa April 1. RNT/SA

Previous articleTransport group muling umapela vs pagpapatibay ng SC sa PUVMP
Next article24 PDLs sa Iwahig laya na