Home METRO Obrero, lolo himas-rehas sa kasong rape

Obrero, lolo himas-rehas sa kasong rape

Bulacan – Arestado ang isang lalaking construction worker matapos silbihan ng warrant of arrest ng pulisya sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong Lunes, Marso 18.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo ng SJDM police station, isinilbi ang warrant sa naarestong si AM Bibias, 28, sa Brgy. Bagong Buhay 1.

Ang e-warrant of arrest sa kasong Statutory Rape ay inisyu ng Regional Trial Court, Branch 5-FC, SJDM, Bulacan.

Samantala, nadakip din ng pulisya sa Muzon si VC Ferrer, 69, vendor, wanted sa kasong Rape (5 counts) at Acts of Lasciviousness sa bisa ng warrant mula sa Regional Trial Court,Branch 85, Malolos City.

Humihimas na ng rehas ang dalawa sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III

Previous articleDagdag 25,300MT ng raw sugar in-quota allocation iginawad ng US sa Pinas
Next articleIba pang ‘pambababoy’ sa PH protected areas tatalupan ng Senado