Home NATIONWIDE Bulacan ligtas na sa H5N1 avian flu – DA

Bulacan ligtas na sa H5N1 avian flu – DA

MANILA, Philippines – Idineklara na ng Department of Agriculture na malaya sa H5N1 avian influenza ang probinsya ng Bulacan.

Sa pahayag, iginawad na ng DA ang AI-free status “more than 90 days since cleaning and disinfection activities, and the last surveillance which yielded negative results.”

Bago ang deklarasyon, nagpatupad ang DA na mahigpit na hakbang, kabilang ang depopulation, disinfection, at logistics restrictions, sa 135 poultry facilities sa Bulacan.

Inilagay din ang surveillance zones ng isa hanggang pitong kilometro sa paligid ng infected farms.

Batay sa monitoring reports ng Bureau of Animal Industry, naitala ang impeksyon sa mga pato, native chicken, chicken layers, at broiler feeders sa Baliwag City, Pulilan, Santa Maria, San Rafael, San Miguel, at San Ildefonso mula Enero 2022 hanggang Pebrero 2023.

Ang huling H5N1 infection ay iniulat sa game fowl farm sa Santa Maria noong Mayo 2023. RNT/JGC