Home HOME BANNER STORY Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo gugulong sa Martes

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo gugulong sa Martes

MANILA, Philippines- Magpapatupad ng dagdag-bawas sa produktong gasolina at diesel ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng dagdag-presyo na P0.10 kada litro ng gasoline at bawas-presyo naman na P0.10 sa kada litro ng diesel, habang wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May dagdag-bawas din sa presyo ng mga nabanggit na produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na ipatutupad ng alas-12:01 bukas ng madaling araw.

Ang ipatutupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay bunsod ng patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaan na nito lamang nakaraang Martes ay nagpatupad ang mga kompanya ng langis sa bansa ng bawas-presyo na P0.50 kada litro ng gasolina, P0.25 kada litro ng diesel at P0.30 kada litro ng kerosene. JAY Reyes

Previous articleBangkay ni ex BuCor deputy security officer Zulueta sinusuri na ng NBI
Next articlePH Salt Industry Development Act tinintahan ni PBBM