Home NATIONWIDE Bangkay ni ex BuCor deputy security officer Zulueta sinusuri na ng NBI

Bangkay ni ex BuCor deputy security officer Zulueta sinusuri na ng NBI

MANILA, Philippines- Kumilos na ang National Bureau of Investigation kaugnay ng pagkamatay ni dating Bureau of Corrections (BuCor) deputy security officer Ricardo S. Zulueta.

Ayon kay DOJ Assistant Secretary Jose Dominic F. Clavano IV, nakakuha na ang NBI ng mga larawan at fingerprints ni Zulueta na may pahintulot ng asawa nito.

Una nang inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla ang NBI na magsagawa ng malalimang imbestigasyon kung totoo ang sinasabing death certificate ni Zulueta.

Si Zulueta ang isa sa mga akusado sa pagpatay sa broadkaster na si Percy Lapid.

Tiniyak ni Clavano na maglalabas ang DOJ ng karagdagang impormasyon sa sandaling magsumite ang NBI ng updates.

Samantala, sinabi ng kapatid ni Lapid na si Roy Mabasa na mahalagang matukoy ang tunay na sanhi ng pagkamatay ni Zulueta dahil isa ito sa mga orihinal na sinasabing mastermind sa pagpatay kay Percy.

Mas makabubuti aniya na kumuha ng independent autopsy report para masiguro na hinahabol ng DOJ ang katotohanan. Teresa Tavares

Previous articleP3B kontrata para sa Land Transportation Management System ipinapawalang-bisa sa SC
Next articleDagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo gugulong sa Martes