Home HOME BANNER STORY Dagdag-motorcycle lane sa EDSA niluluto na

Dagdag-motorcycle lane sa EDSA niluluto na

141
0
(c) Danny Querubin/Remate News Central

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang posibilidad na magkaroon ng motorcycle lane bilang isa pang hakbang upang malutas ang patuloy na problema sa trapiko sa kahabaan ng 23.8 kilometrong Epifanio delos Santos Avenue (EDSA).

Batay sa pag-aaral ng DOTr, nasa 170,000 motorsiklo ang gumagamit ng EDSA araw-araw.

“‘Yung EDSA po natin, four lane lang po ‘yan. ‘Yung isang lane meron na tayong busway. Doon sa right side na portion ‘yung bicycle lane. We are looking siguro po ‘yung katabi ng bicycle lane ang gawin nating motorcycle lane,” ani Transportation Secretary Jaime Bautista sa isang news release.

Sa pamamagitan ng motorcyle lane sa EDSA, layunin din ng gobyerno na tugunan ang economic cost ng traffic, dagdag pa ng transport chief.

Binanggit ni Bautista ang pag-aaral noong 2017 ng Japan International Cooperation Agency (JICA), na nagsasaad na ang economic cost ng traffic ay PHP3.5 billion kada araw sa Metro Manila.

Pagsapit ng 2022, umabot na sa PHP4.9 bilyon bawat araw ang pagkalugi sa ekonomiya mula sa trapiko.

Ang JICA ay inaasahang tataas ito sa PHP9 bilyon bawat araw sa 2030.

“Economic cost [of traffic], ito po ‘yung additional fuel, additional cost, nawawalang opportunity for growth, lost time natin sa family,” paliwanag ni Bautista.

Nauna nang itinuring ng MMDA ang shared bicycle-motorcycle lane ngunit hindi natuloy ang plano. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here