MANILA, Philippines- Matapos ang serye ng malakihang tapyas-presyo, inaasahang tataas ang retail prices ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa industry estimates base sa international oil trading sa nakalipas na apat na araw, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na inaasahang tataas ang domestic pump prices.
Narito ang estimated adjustments:
Gasolina – P0.20 hanggang P0.45 kada litro
Diesel – walang adjustment hanggang dagdag na P0.20 kada litro
Kerosene – P0.45 hanggang P0.55 kada litro






