MULA sa 89 “active guerilla fronts” noong 2018, mayroon na lamang 11 na mahihinang pwersa ng guerilla fronts ang New People’s Army o NPA, ang armadong bahagi ng Communist Party of the Philippines at National Democratic Front.
Ano ang naging dahilan nito?
Sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na magapi ang CPP-NPA-NDF at matigil na ang kaguluhang dulot ng mga pesteng ito sa bayan, unti-unting nalalagas ang kanilang pwersa dahil naiintindihan na ng marami nating kababayan na walang patutunguhan ang pakikipagkutsabahan sa mga pesteng ito.
Mula nang itatag ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict nag-iba ang istraehiya ng gobyerno pagdating sa pakikipaglaban sa CPP-NPA-NDF. Inabot at inialay ang lahat nang maitutulong sa mga kababayan natin at mga komunidad sa malalayong lugar na pinamugaran ng mga rebeldeng ito.
Tulong ng mga pinagsama-samang ahensiya ng pamahalaan upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga naninirahan dito na kung tawagin ay “mass base” o mga kababayan nating nabilog ang mga isipan ng CPP-NPA-NDF na ang kanilang kahirapan ay bunga raw nang pagpapabaya ng gobyerno.
“Not anymore!,” sabi ng pamahalaan. At inilatag ang “whole of the nation approach”. Ang sama-samang pagkilos at paggamit ng mga yaman o resources ng pamahalaan at ilatag ang mga ito para sa ‘mass base’ na kinubkob g CPP-NPA-NDF.
Mula nang maibaba ng pamahalaan ang mga serbisyo at pagmamalasakit sa taumbayan, unti-unting nalalaman ng mga “mass base” na ito, o mga mamamayan natin sa mga kanayunan na sumusuporta, sapilitan man o hindi, sa CPP-NPA-NDF, na may malasakit talaga ang pamahalaan kaya nga nabago nito ang kanilang mga pananaw.
Unang ginampanan ng pamahalaan ang talagang walang igting na pakikipag-bakbakan sa NPA hanggang sa mabawasan at naitaboy ito sa mga pinamumugarang mga komunidad sa ating malalayong probinsya. At matapos nito, pumasok ang NTF-ELCAC upang tugunan ang mga problema ng mga lugar na ito, na ginagawang dahilan ng mga NPA na siyang bunga ng kanilang kahirapan.
Dumaloy ang mga proyekto nang mawala ang mga NPA sa mga kanayunan. Nag-iba at umaangat ang kalagayan sa buhay ng ating mga kababayan doon. At nag-simula nang umiwas, tumiwalag at magbigay suporta sa mga pesteng CPP-NPA-NDF.
Ganyang-ganyan lamang ang naging dahilan kung bakit humina at nagapi ang pwersa ng mga pesteng CPP-NPA-NDF.