Home ENTERTAINMENT Daniel, muntik nang batuhin!

Daniel, muntik nang batuhin!

Davao, Philippines- Respect and hospitality should be given to any performer na dumayo pa sa ibang lugar galing Maynila.

Ito ang dapat matutunan ng isang lalaki sa audience ng unity concert na dinaluhan nj Daniel Padilla sa Davao.

Mantakin niyo, todo perform ang aktor sa entablado only to notice a guy from the audience na may hawak na bote at tinangkang ibato ito sa kanya.

Mabuti at ganoon na lang kalinaw ang mga mata ni Daniel.

Ganoon din kalakas ang kanyang presence of mind.

Kinol agad ni Daniel ang atensyon ng lalaki para ialerto na rin ang security personnel na nakatalaga sa concert.

On mic, inanunsyo ng aktor na: “Oy,’yung mambabato ng bote diyan, tigilan mo ‘yan!”

Pero paano kung nakaligtas ‘yon sa paningin ni Daniel at naibato nga ang bote sa kanya?

Chaos would have ensued!

Marami tuloy ang napahanga ni Daniel dahil ang concern nito’y maging maayos ang pagtatanghal sa gabing ‘yon.

Marami naman ang humula na baka sympathizer ng kanyang dating nobyang si Kathryn Bernardo ang lalaking ‘yon.

Gustong ilabas ng lalaki ang kanyang galit sa pamamagitan ng pamamahiya kay Daniel.

Kahit pa, hindi lisensya ang galit ng mga fans para sirain ang show ng mga artista lalo’t dapat pa ngang pakitunguhan nang maayos ang mga ito.

‘Yun namang ‘di affected sa nangyari kay Daniel ay takang-taka sa muntik na nitong sapitin.

Ang dati raw kasing tinitilian at pinagkakaguluhan ng mga fans, ngayo’y binabato na lang ng bote.

How sad but cruel! Ronnie Carrasco III