Home ENTERTAINMENT Daniel, na-“demote” ang ranggo?

Daniel, na-“demote” ang ranggo?

Manila, Philippines – We have yet to confirm kung totoo ngang may nilulutong action series ang ABS-CBN na pagsasamahan ng apat na malalaking aktor.

Balitang the TV network is said to assemble lan Veneracion, Daniel Padilla, Enrique Gil and Richard Gutierrez to topbill the biggest, most action-packed series ever on TV.

Hindi pa man ay marami nang excited kung matutuloy ang proyekto maliban sa mga fans ni Daniel.

Feeling kasi ng mga ito’y na-demote ang ranggo ng kanilang idol.

It clearly appears daw na buhat nang mag-break sila ng nobyang si Kathryn Bernardo ay na-relegate na lang si Daniel bilang support to names like lan and Richard.

Pinakalma naman ito ng ibang kapwa nila Daniel fans na nagsasabing malabong maging support lang ang aktor.

The mere fact daw na apat sila sa maaksyong teleserye ay nangangahulugan lang na all four of them ay mga bida.

Kumbaga, one is as much a bida like the three others.

Nagkataon nga lang daw na sa biglang tingin sa cast, Daniel happens to be the youngest of them all.

Daniel trying action this time is a welcome breather para sa kanyang mga fans na nasanay na sa pagpapa-cute niya on TV.

Very much like his ex-girlfriend Kathryn’s career trajectory, babu na rin sa mga pa-tweetums roles. Ronnie Carrasco III