Home ENTERTAINMENT David, ‘bugaw’ ni Sanya!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES David, ‘bugaw’ ni Sanya!April 8, 2025 16:29 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Hindi dapat ipagputok ng butse ng mga BarDa fans ang closeness nina Sanya Lopez at David Licauco.Very much aware pala si Sanya na nanggigigil sa kanya ang mga tagahanga nina Barbie Forteza at David.Umeeksena daw kasi siya sa naturang loveteam.Pero once and for all, in-addresss na ni Sanya ang isyu.Ito’y para maging payapa ang lahat.Ani Sanya, malabo raw na mahulog ang kanyang loob kay David.As proof, they go a long way daw.Encantadia at Mulawin days pa’y malapit na sila sa isa’t isa.In fact, si David daw ang “bugaw” o matchmaker ni Sanya who’s told kung sinong lalaki ang bagay sa kanya.Ginawan kasi ng intriga ng ilang BarDa fans ang pagdya-jogging nina Sanya at David while on shooting break sa ginagawa nilang pelikula.Pinalalabas ng mga imbyerna kay Sanya na ito pa raw ang nagyayang mag-jogging sila ni David.Nabuo rin ang hinala na si David ang tinutukoy na negosyanteng nanliligaw kay Sanya.Porke’t idinaan ni Sanya sa blind item ang kanyang tsika, si David ang top of mind na pinagdudahan.Which is all wrong. Ronnie Carrasco III