Home NATIONWIDE Decriminalization ng libel ipinanukala sa Senado

Decriminalization ng libel ipinanukala sa Senado

MANILA, Philippines – Inihain sa Senado ang panukala na mag-aalis ng ‘jail time’ para sa mga kasong libel at limitahan ang venue ng paghahain ng libel suits.

Ipinanukala ni Senator Jinggoy Estrada ang Senate Bill 2521, at sinabing na ang naunang inihain na mga panukala ay naglalayong amyendahan ang batas sa libel at palakasin ang press freedom, “languished in the Senate legislative mill for two decades.”

Sa paghahain ng panukala, sinabi ni Estrada ang ‘perception’ sa Pilipinas bilang isa sa pinaka-mapanganib na lugar sa mundo para sa mga mamamahayag.

Binanggit din ng senador na sa 2023 World Press Freedom Index, sumusuri sa journalism environment sa 180 bansa, ay nasa ika-132 ang Pilipinas.

“It does not help that while journalists are under attack, the domestic legal framework poses another serious threat — through imprisonment due to libel, which is currently a criminal offense. While it is the right of individuals to be protected from irresponsible reporting or commentary, imprisonment is not a just penalty for such. Civil damages may be enough penalty and deterrence,” ani Estrada.

“It is the duty of the State to afford ample protection to journalists, which, in turn, translates into adherence to a larger cause: the promotion of the Constitutionally-protected right to expression. This bill seeks to decriminalize libel and limit the venue of filing libel suits,” dagdag niya.

Layon ng panukala na amyendahan ang probisyon ng Revised Penal Code sa pagpalit sa penalty na pagkakulong na anim na buwan hanggang anim na taon at multa na mula P10,000 hanggang P30,000.

Ipinanukala rin ni Estrada na ang offense at penalty ay applicable sa loob ng anim na buwan mula sa inisyal na publication, airing, o exhibition ng libelous material.

Para sa mga reporter, editor, or manager ng diyaryo, daily o magazine, na maglalathala ng katotohanan sa mga pribadong indibidwal na “offensive” sa kanilang honor, virtue at reputasyon, ipatutupad ang multa na mula P5,000 hanggang P15,000 sa halip na pagkakulong.

Saad din sa SB 2521 na ang mga reklamo sangkot ang community journalists, publications, o broadcast stations ay dapat ihain sa regional trial courts ng probinsya o lungsod kung saan matatagpuan ang principal office o lugar ng negosyo.

Sa explanatory note, sinabi ni Estrada na sa kasalukuyang batas, ang complainant ng libel case ay maaaring maghain ng kanilang reklamo sa far-flung areas o malayo sa opisina ng media practitioners, na naaabuso umano ng offended party, “in order to harass and cause inconvenience to the journalists and media organizations.”

“It is unfortunate that despite the clarion call of mass media organizations and human rights groups to amend prevailing laws on libel, they have remained untouched over the years…The passage of this legislation is earnestly sought,” ani Estrada. RNT/JGC

Previous articlePilipinas inaasahang mag-aangkat ng 3.9M MT ng bigas ngayong 2024
Next articleDirek Darryl, out na sa Vivamax!