Home HOME BANNER STORY Deliberasyon Cha-cha uunahin ng mayorya sa bagong Senado – Chiz

Deliberasyon Cha-cha uunahin ng mayorya sa bagong Senado – Chiz

Tiniyak ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na uunahin ang deliberasyon sa charter change ng bagong mayorya kahit lantaran nitong tinututulan ang pag-aamyenda sa Saligang Batas.

Layunin ng panukala na aamendahan ang 1987 Constitution upang buksan ang ilang economic provision at makapasok ang dayuhang pamuhunan sa sektor ng media at advertising, edukasyon atbp.

Aniya, nakatakdang isalang sa deliberasyon ng majority bloc ang charter change sa lalong madaling panahon.

“We will discuss it on the part of the majority. But you know my position and I have no plans of changing my position,” ayon kay Escudero.

Ngunit, hindi tinugon ni Escudero kung makalulusot ang charter change sa Senado. “It’s not for me to say.”

Kilala si Escudero na tumututol sa pagbabago sa 1987 Constitution.

“I think I was one of the more vocal ones during that time. So I don’t see any reason why there’s concern about that,” ayon kay Escudero.

Inihayag din ni Escudero na hindi matutuloy ang nakatakdang pagdinig dahil nagbitiw si Senador Sonny Angara bilang chairperson ng Senate subcommittee on constitutional amendments and revision of codes.

Nagsasagawa ng pagdinig ang komite sa Resolution of Both Houses No. 6 o panukalang aamendahan ang economic provisions nge 1987 Constitution.

Bago magbitiw si Angara, nagsagawa ng pagdinig ang komite sa Cebu, Cagayan de Oro at Baguio City hinggil sa RBH 6.

“Pansamantalang hindi matutuloy yon. We will not hold any such hearings outside of Metro Manila or either inside the Senate and we will formally make known our decision as a group and as a Senate as regards to this,” ayon kay Escudero.

KUmalas si Angara bilang chairman ng Senate subcommittee matapos magbitiw si Senator Juan Miguel Zubiri bilang Senate President.

In a separates hiwalay na interview, Sinabi ni Zubiri na hindi na matutuloy ang diskusyon sa charter change dahil nagbitiw na si Angara.

“Wala na. Goodbye Cha-cha. Nag-resign na si Sonny…Angara. Nag-resign na po siya. Wala na. It’s all cancelled… As far as we’re concerned the Cha-cha this week is dead. We don’t have Cha-cha hearings,” ayon kay Zubiri.

Binanggit ni Zubiri na kaya siya pinatalsik dahil kanyang isinusulong ang charter change.

“Alam niyo naman si Senator Escudero anti-cha-cha… I hope that the people that supported him know that. Strange bedfellows. I will say [these are] strange bedfellows,” ayon kay Zubiri. Ernie Reyes