Home NATIONWIDE DENR maglalabas na ng desisyon sa isyu sa Masungi

DENR maglalabas na ng desisyon sa isyu sa Masungi

MANILA, Philippines – Maglalabas na ng desisyon si Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga kaugnay sa isyu sa Masungi Georeserve soon.

“Masalimuot po talaga ang Masungi. Ito ang sasabihin ko po sa issue na ito. Magre-release po ako ng desisyon ng Masungi very shortly,” sinabi ni Yulo-Loyazaga sa panayam ng DZBB.

“Pero ang kailangan pong isipin ng lahat, kagaya ng Chocolate Hills, ito problemang ito ay hindi po sumulpot ngayon lang. Meron po itong early beginnings sa 1990s na trinace back na namin,” dagdag niya.

Ani Yulo-Loyzaga, maraming stakeholder ang sangkot sa isyu sa Masungi.

Sinabi pa na ang DENR, sa tulong ng congressional investigation, ay nakakuha na ng mga detalye at impormasyon na hindi agad-agad magiging available para sa lahat.

Sa mga nagdaang taon ay nagsagawa ng imbestigasyon ang Senado at Kamara sa Masungi sa iniulat na mga paglabag sa batas at karahasan sa mga claimants.

Ngayong taon, nagkaroon din ng kaparehong imbestigasyon na may kaugnayan sa Masungi.

Ang Masungi Georeserve ay isang conservation project sa Rizal na nanalo ng international awards kabilang ang United Nations Sustainable Development Goals (UN SDG) Action Award for Inspire Category noong 2022. RNT/JGC

Previous articleOperasyon ng Pasig River Ferry suspendido mula Marso 28 ‘gang 30
Next articlePresyo ng isda, tumaas!