Home NATIONWIDE Presyo ng isda, tumaas!

Presyo ng isda, tumaas!

MANILA, Philippines – Tumaas ang presyo ng mga isda kasabay ng demand sa papalapit na Semana Santa.

Sa pinakahuling datos ng Department of Agriculture (DA), umakyat ang presyo ng bangus mula P140 hanggang P220 kada kilo noong Marso 18 sa P150 hanggang P250 kada kilo nitong Marso 21.

May pagbabago rin sa presyo ng lokal na galunggong mula P180 hanggang P280 kada kilo noong Marso 18 sa P180 hanggang P300 kada kilo nitong Marso 21.

“Lalo na yung mga Thursday, Friday hanggang Sabado. Mga 10% to 20% normally itinataas,” ani DA spokesperson Assistant Secretary Arnel De Mesa.

Sa kabila nito, sinabi ni De Mesa na hindi kailangang magpatupad ng price ceiling.

“The DA is not considering any price ceiling for any commodities, kahit sa pork,” aniya. RNT/JGC

Previous articleDENR maglalabas na ng desisyon sa isyu sa Masungi
Next articleMag-ina, 1 pang kaanak patay sa sunog sa Pangasinan