Home NATIONWIDE Operasyon ng Pasig River Ferry suspendido mula Marso 28 ‘gang 30

Operasyon ng Pasig River Ferry suspendido mula Marso 28 ‘gang 30

MANILA, Philippines – Suspendido ang operasyon ng Pasig River Ferry bilang paggunita sa Semana Santa.

Sa anunsyo nitong Biyernes, Marso 22, pansamantalang ihihinto ang operasyon ng lahat ng ferry stations mula Marso 28 hanggang Marso 30, o Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria.

Magbabalik ang regular ferry operations sa Abril 1.

Samantala, sinabi rin ng Metropolitan Manila Development Authority na aalisin ang number coding scheme sa kaparehong mga petsa.

“Pag holiday naman, nagi-issue tayo ng exemption particularly [on] Thursday and Friday, so may suspension ng number coding sa Huwebes Santo at Biyernes Santo,” pahayag ni MMDA Acting Chairman Attorney Don Artes sa interagency press conference nitong Biyernes.

Ang bus lane naman ay nananatiling limitado lamang para sa mga authorized vehicle at mga bus kahit na holiday. RNT/JGC

Previous articleTeves nasa kustodiya ng Timor Leste police habang naghihintay ng deportation
Next articleDENR maglalabas na ng desisyon sa isyu sa Masungi