Home METRO DepEd, naglaan ng P3.72M tulong sa mga paaralang apektado ng Mayon

DepEd, naglaan ng P3.72M tulong sa mga paaralang apektado ng Mayon

60
0

MANILA, Philippines – Ayon sa Department of Education (DepEd) noong Miyerkules, nakapag-mobilize ito ng hindi bababa sa ₱3.72 milyon para sa clean-up at clearing operations. Nagpreposisyon din sila ng libo-libong learning at safety supplies para sa mga paaralang naapektuhan ng ashfall mula sa Mayon Volcano sa lalawigan ng Albay.

“Patuloy nating pinakikilos ang lahat ng kinakailangang suporta para mapanatiling ligtas ang ating mga mag-aaral, guro, at paaralan habang nagpapatuloy ang banta ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon,” ayon kay Education Secretary Sonny Angara.

Nagpadala rin ang DepEd ng 850 all-weather learning kits o “EduKahon,” N95 face masks, hygiene kits, printer, papel, disinfectant, alcohol, tissue, at iba pang gamit sa klase. May virtual learning at teaching kits din na nagkakahalaga ng ₱20,000 bawat paaralan sa tulong ng mga partner tulad ng People in Need.

“Kasabay ng agarang pagresponde at paghahatid ng mga learning at emergency supplies, tinitiyak din nating hindi napuputol ang pag-aaral ng ating mga kabataan,” dagdag ni Angara.

Aktibo rin ang Batang Empowered and Resilient Team (BERT) modules at psychosocial first aid para sa mga apektadong mag-aaral upang matulungan silang makabangon at maipagpatuloy ang pag-aaral, lalo na sa mga evacuation areas at kalapit na komunidad.

Batay sa ulat noong Mayo 5, may dalawang paaralan sa Camalig, Albay—Tagaytay Elementary School at Bariw Elementary School—na ginagamit bilang evacuation center para sa 172 pamilya o 603 indibidwal, kabilang ang 53 mag-aaral at 10 personnel ng DepEd.

Kabuuang 24 na silid-aralan ang kasalukuyang ginagamit para sa mga evacuee, habang 133 paaralan ang naapektuhan ng ashfall. Nananatili sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here